MGA KUWENTO NG MGA NAKATATANDA
"Stories of the Elders"
by
Book Details
About the Book
Ang aklat na ito ay isang mahalagang pamanang-kultura na naglalayong panatilihin at ipalaganap ang mayamang tradisyon at kasaysayan ng ating mga ninuno sa pamamagitan ng mga alamat, kuwentong-bayan, pabula, at iba pang lokal na salaysay. Ang mga kwentong ito ay hindi lamang simpleng mga salaysay, kundi nagsisilbing tagapag-ingat ng ating kultura, naglalaman ng mahahalagang aral, at sumasalamin sa ating identidad bilang Pilipino. Sa pamamagitan ng pagsasalaysay at pagpapanatili ng mga kwento ng ating matatanda—tungkol sa mahiwagang nilalang, kabayanihan, tradisyon, at mahahalagang pangyayari—napapanatili nating buhay ang ating lokal na pagkakakilanlan. Ang aklat na ito ay isang pagsisikap upang ipagpatuloy ang diwa ng ating panitikang-bayan, upang hindi mawala ang yaman ng ating kasaysayan, at upang maipadama sa mga susunod na henerasyon ang lalim ng kultura at kaalamang naipasa mula sa ating mga ninuno.
About the Author
Si Dr. Jeramie C. Linaban ay isang Associate Professor 3 at kasalukuyang Tagapayo
ng Future Science and Technology Leaders of the Philippines, Inc. (FSTLP,
Inc.), isa sa mga pangunahing organisasyon ng mag-aaral sa Cebu Technological
University – Argao Campus. Siya rin ang kasalukuyang Tagapangulo ng Teaching
Internship sa Kolehiyo ng Edukasyon sa parehong unibersidad.
Nagtapos siya ng Bachelor of Secondary Education na may pangunahing
espesyalisasyon sa Technology and Livelihood Education at may menor sa Filipino
sa Cebu Technological University – Argao Campus (dating CSCST-Argao).
Natapos niya ang kanyang Master’s degree sa Edukasyon na may espesyalisasyon
sa Filipino sa University of the Visayas at ang kanyang Doctor of Development
Education sa Cebu Technological University – Argao Campus.
Siya ay nagtuturo ng mga kursong Pang-Propesyonal na Edukasyon, mga Major
na kurso sa BEED at BTLEd, at mga asignaturang Filipino sa mga programang
pang-gradwado sa CTU-Argao. Bukod sa pagtuturo, siya rin ay may likas na interes
sa pagsusulat ng mga maikling kwento, kuwentong-bayan, pabula, at alamat, na
nagpapakita ng kanyang pagmamahal sa panitikang Pilipino at pagpapahalaga
sa kulturang bayan.